Huwebes, Marso 23, 2017

Epekto ng Pagpapatupad ng Death Penalty sa Pilipinas


PANIMULA:
  Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang maiwasan ng ating mamamayan ang krimen at mabawasan ang krimen sa ating bansa. Death Penalty ang isa sa mga kontrobersyal na minsan ng pinagtalunan at pinag-usapan ng ating mamamayang Pilipino. Ipinapataw ang parusang kamatayan o death penalty sa mga gumagawa ng kagimbal-gimbal na krimen. Murder, kidnapping, robbery, rape at drug pushing ang ilang mga halimbawa ng krimen na maaaring humantong sa parusang kamatayan. Ang death penalty ay isa sa mga pinakamabisang paraan upang matakot at mabawasan ang mga kriminal sa ating bansa. Maraming may gusto na maipatupad ang batas na ito dahil sa patuloy na pagtaas at di mapipigilang pagdami ng kaso ng krimen. Mayroong ilang nagtatanong bakit kailangang bigyan sila ng pagkain at tirahan ang mga kriminal na gumawa ng mali sa kanilang kapwa?Bakit kailangan silang pakainin,bakit hindi na lamang sila patayin? Sa halip na ang pera na ginagastos para sa mga kriminal ay bakit hindi na lamang ibigay na tulong sa mga mahihirap at walang makain dahil sa tutuusin mas malaki ang gagastusin ng gobyerno kung ikukulong lamang sila ng panghabang buhay. Nagsimula ang death penalty o parusang kamatayan noong panahon ng kastila noong (1521-1898)  ang ilan sa mga paraan ng parusang kamatayan na ginagamit ng mga kastila ay pagsunog, pagpugot ng ulo pagbitay, pagbaril, pagsaksak at iba pa. Ipinapataw ang parusang kamatayan sa mga pilipinong tutol sa pamamahala ng mga kastila
KATAWAN:
     May positibo at negatibong epekto ang pagpasa ng batas na ito. Positibo na pagbayaran ng mga kriminal ang kanilang pagkakasala sa mga mata ng diyos at sa batas ng tao. Negatibo sa mga dahilang may nahatulan na posibleng naging biktima ng batas, nabilanggo ng walang kasalanan.Death penalty ang isa sa mga kontrbersyal na balita na minsan ng pnagtalunan at pinag-usapan sa ating bansa. Dahil nga sa mga hindi maubos-ubos na balita  tungkol sa krimen nagpasya ang pamahalaan na ibalik ito. Maraming nagsasabi na kailangan na maipatupad ang death penalty dahil sa patuloy na pagdami ng mga kriminal. Narito ang ilang mga dahilan kung bakit kailangan na maipatupad ang death penalty
  1.   Dahil hindi natatakot sa batas ang mga kriminal
  2. Dahil mas lumalaki ang ginagastos ng bansa dahil sa pag-aaruga ng mga kriminal 
  3. Dahil nagiging headquarter na ng mga kriminal ang 
  4. kulungan 
  5. Dahil hindi lahat ng nakakulong ay nagdudusa 
  6. Dahil may mga  kriminal na hindi titigil gumawa ng krimen habang nabubuhay sila 
  7. Dahil lumilikha ng bagong kriminal ang mga kriminal 
  8. Dahil mapipigilan ng death penalty ang pagdami ng mga vigilante na inilalagay ang batas sa kanilang  mga kamay
            Maraming ginagawang paraan ang ating pamahalaan upang dumami ang mga turista sa ating bansa pero diba dapat din bigyan ng pansin ang kabi-kabilang krimen na  na nangyayari sa ating bansa tulad na lamang ng nakawan, kidnapan, patayan. Ang mga kriminal ay kayang lumikha ng bagong kriminal. Kung ibubuhos lang sana ng ating pamahalaan ang kanilang pwersa at paggastos ng pera sa pagbawas ng kriminal mas mababawasan sana ang mga nangyayaring krimen sa ating bansa. Sa kasamaang palad malabong maipatupad ang death penalty dahil sa kabibilang krimen na nangyayari sa ating bansa.Narito ang ilang mga dahilan kung bakit hindi magiging epektibo ang pagpapatupad ng batas  na ito: 

  1.  Dahil sa taliwas na pananaw ng PNP
  2. Dahil sa  nangyayaring sabwatan ng mga police at ng mga kriminal
  3. Dahil sa mabagal na proseso at mga nababayarang mga judge
  4.  Dahil sa hindi pantay na justice system na nangyayari sa ating bansa
 Paano nga ba maipapatupad ang batas na ito kung mismong  ang mga gumagawa ng batas na ito ang siyang nangunguna na gumawa ng krimen? Kailangan din syempre na unahin muna na linisin ang judiciary system natin upang sa ganun magkaroon tayo ng mabilis pantay at malinis na paglilitis sa mga krimen. Nararapat nga bang ipatupad ang nasabing parusa lalo na sa mga gumawa ng karumal dumal na krimen? Ang dinadahilan ng mga pabor sa pagpapatupad ng batas na ito ay upang magkaroon ng takot ang mga nagbabablak na gumawa ng krimen. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng tahimik at payapang komunidad ang mga tao. Kailangan ng kumilos ng ating pamahalaan upang mabawasan ang nangyayaring  krimen sa ating bansa. Ang kailangan nating gawin:

  1. Patalsikin ang mga tiwaling opisyal  ng gobyern  
  2.  Ipatupad ang death penalty 
  3.  I-improve ang edukasyon para sa mamamayan
  4.  Eradicate corruption sa lahat ng sangay ng pamahalaan at pribadong sektor
 Pero paano nga ba mai-eradicate ang krimen kung hindi naman natatakot as batas ang mga kriminalat paano naman sila matatakot na gumawa ng krimen kung alam naman nila na hindi sila mapaparusahan .
PANGWAKAS:
Ayon sa pananaliksik na ito ay kailangan na maipatupad ang parusang kamatayan o death penalty  dahil maraming nagsasabi na ito ang pinakamabisang paraan upang mabawasan ang krimen at maging maayos at magkaroon ng tahimik at mapayapang pamumuhay.
SANGGUNIAN:
 http://philrights.org/ang-sentensyang-kamatayan-death-penalty-sa-pilipinas/ https://www.wattpad.com/14695710-death-penalty-solusyong-walang-epekto
 https://thepinoysite.com/2015/09/29/bakit-kailangang-ibalik-ang-death-penalty-sa-pilipinas/ 
MGA TANONG:
1. Ano ang magandang maidudulot ng death penalty sa ating bansa ? 
a. uunlad ang ating bansa               b.mababawasan ang krimen
c. mas lalong dadami ang krimen   d. wala sa nabanggit
2.Bakit nasasangkot ang mga tao sa krimen ? 
a. dahil bored sila                             
b.dahil maayos ang kanilang pamumuhay
c. dahil sa hirap ng buhay
3. Ano ang pinakamabisang paraan upang makaiwas sa krimen ?
          a. maghanap ng magandang trabaho
          b.makipagbarkada
          c. makipag-inuman

          4. Ano ang maaaring gamitin para sa pagsasagawa ng death penalty?
          a. silya elektrika
          b. tirador
          c. baril
          d. bitay

          5. Sa iyong palagay epektibo ba ang pagpapatupad ng death penalty ?
          a. oo
          b. hindi  
          c. siguro

          6. Makatwiran ba ang pagpatay sa mga taong gumawa ng kagimbal-gimbal na krimen ?
          a. hindi, dahil ayon sa bibliya masama ang pumatay
          b. oo, dahil hindi sapat na makulong lang sila
          c. hindi, dahil hindi makatwiran ang pagpatay
          d. oo, dahil sa pagpatay mo makakamit ang hustisya
   
          7. Bakit kailangan na maipatupad ang death penalty ?
          a. upang matakot ang mga kriminal na gumawa ng krimen
          b. upang mas dumami ang mga kriminal
          c. upang hindi matakot gumawa ng krimen ang mga kriminal
       
          8. Ano ang maaaring ibigay na parusa sa mga gumawa ng kagimbal-gimbal na krimen
          a. ikulong ng panghabang buhay
          b. patayin
          c. hayaan lang sila

          9. Bakit hindi magiging epektibo ang pagpapatupad ng death penalty ?
          a. Dahil sa taliwas na pananaw ng PNP
          b. Dahil sa nangyayaring sabwatan ng mga police at ng mga kriminal
          c. Dahil sa mabagal na proseso at nababayarang mga jugdes
          d. Lahat ng nabanggit
   
          10. Ano ang negatibong epekto ng pagpapatupad ng death penalty?
           a. nahatulan ng parusang kamatayan ang inosente at walang kasalanan
           b. pagbayaran ng kriminal ang kanyang pagkakasala
           c. hatulan ng prusang kamatayan ang gumawa ng kagimbal-gimbal na krimen